Dreams of you
are rays that slip
through my fingers
while I failingly try to
keep the sun off my face.

You are the cold air
On the mornings I run,
That gently brushes my skin.
The air on moments
I’d die to breathe.

Attempts to say “I love you”
Recounts to being infant again,
in struggle to express,
To find the perfect word
As perfect as the feeling.

If life is a book,
You are the words
that grace the back cover,
I read you thinking,
“You’re everything
And all I need to know”.

Advertisements

Sa pagbalik ko sa ating simula,
May natagpuang distansya
Bakit hindi sumagi sa isipan
Na ang bawat hakbang pasulong
Pinahihina rin ng pagsubok?

Lumalawak na ang pagitan,
Gawin man ang lahat,
Habulin ma’y parang sinulid
Na sa bawat pilit na paghatak
Ang nasimula’y lalong nawawasak

Inanod na ng mga alon
Na minsa’y nagawa namang umayon
At dahil kailanma’y di sinukat,
Paglayo’y di mabigyang paliwanag-
Bagama’t di rin handang magpaalam.

Kung hindi na mapipigilan
At itinadhana na ang paglisan
Magawa ko mang ika’y talikuran,
Ito’y dahil gusto lang balikan
Ang mga bahaging ‘yong naiwan.

Dahilan

Ang lahat ay nagsisimula sa dahilan.
Nakahanap ako ng dahilan,
Upang ika’y bigyang puwang
At hayaang dumalaw sa isipan.
Nakita ko ito sa iyong mga mata
Bago pa kita unang marinig magsalita.
Binigay mo ito sa akin nang ika’y ngumiti,
Nang magdampi ang ating mga labi.
Nahanap ko ito sa katahimikan,
Nang magkatabi tayong nakatingin lang sa kalawakan.
Sa bawat araw na nagdaan,
Ako’y mananatili’t maraming dahilan.

Ang lahat ay nagtatapos sa dahilan.
O kaya naman kapag naubusan.
Nadama mong hindi ka na masaya,
Wala nang sigla kapag tayo’y magkasama.
Nakita mo ito sa dalas ng tampuhan,
Sa paghihintay ng matagal sa ating tagpuan.
Nagkaroon ng dahilan nang mawalan ng panahon,
Tila naipon kasama ng ating mga taon.
Nagkaroo’t naubos na ang mga bagay na dapat alamin
Tapos na ang mga pahinang ako’y kilalanin.
Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan,
Ika’y lumisan, pagkat maraming dahilan.

Sinisisi ang mga batas ng kalawakan
Bilang nagturo sa atin ng konsepto ng dahilan.
Nasa hangin ang ating pasasalamat,
Dahil binubuhay nya tayong lahat.
Ang kadagsinan ng mundo
Ang dahilan kung bakit tayo nasa ibabaw nito.
Sa bagay na singhiwaga ng pagmamahal
Bakit walang nagawa ang dahilan upang magtagal?
Nilikha itong hinahamak ang katwiran
Ngunit paano ba iiwasan,
Kung sa pagkakagalit ng puso’t isipan,
Pag ibig ang dahilan?

Minsa’y gusto kitang tanungin
Minsan ba ako, kahit sandali
Sumagi sa iyong isipan kahit
Hindi man ako nanatili?

Sa aking mga liham kaya
Napulot mo ang nais kong ipaalam?
Di ba sa larong pag-ibig ika’y madaya
Umalis na lang ng walang paalam?

Nakarating ba sayo ang mga dasal
Na bumuo sa bawat nagdaang gabi
O baka patuloy na lang akong umaasa
Nananatili pa ring sabik?

Sa Pagkakataon

Gumagalaw ang kamay
Ng orasan, at sumasabay
Pintig ng pusong tinatago’t
Hinihintay pa rin ang sagot

Marami na ang nangyari’t
Naganap sa atin, ngunit bakit
Kay hirap nang mabalikan
Ang minsan nating kalagayan?

Lumipas na ang ating mga araw
Binubuhay na lang ng balik-tanaw
Bakit, ano bang nangyari?
Bakit hindi na mabalik ang dati?

Paano mo nagawang malimot
At bigla na lang mapagod?
Bakit hindi ko pa rin maiwan
Alaala natin sa aking isipan?

5/28/16

Nakakapagod din pala
Tumingin na pinipili ang makikita
Maniwala sa taong hinihintay
Lalo’t walang kamalay-malay.

Nakakapagod ding bigyan
Ng malaking puwang sa isipan,
Ang taong di kailan nag-alala
Habang ika’y laging nababahala.

Nakakapagod rin palang mahalin
Na palaging nagbabakasakaling
Mababalik rin ang pagsinta
Kahit na siya’y papalayo na.

Nakakapagod ding umasa
Na bukas magbago ang isip nya
Na darating din ang araw
Na magbabago ang kanyang pananaw.

Nakakapagod pala ang pagmamahal
Ngunit paanong may nagtagal?
Paano’t kailan ba malalaman
Na ang damdami’y dapat na sukuan?

Tsubibo

Ang pagmamahal sa’yo
Tila pagsakay sa tsubibo
Paano ko ba hahabulin
Ang taong mailap sa paningin?

Nahanap ko ang aking sarili
Nahuhulog na sa’yong ngiti
Ngunit paano ang pagsinta
Kung lagi ika’y palayo na

Kahit mabilis man ang takbo
Mabilis rin ang ‘yong paglayo
Pano kung tanging paghinto
Ang paraan paglabas dito?

Maabutan pa ba kita mahal
Kung ang mundo ay kay bagal?
Pag ang pagikot ay tumigil na
Ako kaya’y may pag asa pa?

Isusulat pa ba para basahin
Ang mga salitang kinikimkim?
Isusulat pa ba ang damdamin
Kung ito’y di mo na nanaisin?

Una’y nabuo sa iyong isipan
Ang konsepto ng ikaw at ako
Sa huli na ng aking masilayan
At sa pangangarap ako na ang aako

Sa pag iwas sa aking direksyon
Nahanap mo ba ang lunas?
Nahanap mo ba ang solusyon
Sa kalungkutang dinanas?

Ako ba’y huli sa pagdating
Nagbago na ba ang yong isipan?
Mali ba’t nagbabakasakaling
Tayo pa ri’y magkakatuluyan?