Dahilan

Ang lahat ay nagsisimula sa dahilan.
Nakahanap ako ng dahilan,
Upang ika’y bigyang puwang
At hayaang dumalaw sa isipan.
Nakita ko ito sa iyong mga mata
Bago pa kita unang marinig magsalita.
Binigay mo ito sa akin nang ika’y ngumiti,
Nang magdampi ang ating mga labi.
Nahanap ko ito sa katahimikan,
Nang magkatabi tayong nakatingin lang sa kalawakan.
Sa bawat araw na nagdaan,
Ako’y mananatili’t maraming dahilan.

Ang lahat ay nagtatapos sa dahilan.
O kaya naman kapag naubusan.
Nadama mong hindi ka na masaya,
Wala nang sigla kapag tayo’y magkasama.
Nakita mo ito sa dalas ng tampuhan,
Sa paghihintay ng matagal sa ating tagpuan.
Nagkaroon ng dahilan nang mawalan ng panahon,
Tila naipon kasama ng ating mga taon.
Nagkaroo’t naubos na ang mga bagay na dapat alamin
Tapos na ang mga pahinang ako’y kilalanin.
Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan,
Ika’y lumisan, pagkat maraming dahilan.

Sinisisi ang mga batas ng kalawakan
Bilang nagturo sa atin ng konsepto ng dahilan.
Nasa hangin ang ating pasasalamat,
Dahil binubuhay nya tayong lahat.
Ang kadagsinan ng mundo
Ang dahilan kung bakit tayo nasa ibabaw nito.
Sa bagay na singhiwaga ng pagmamahal
Bakit walang nagawa ang dahilan upang magtagal?
Nilikha itong hinahamak ang katwiran
Ngunit paano ba iiwasan,
Kung sa pagkakagalit ng puso’t isipan,
Pag ibig ang dahilan?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s